Biyernes, Mayo 13, 2016

Para sa hinayupak kong crush,

Linda Blair 
 
Hindi ko alam kung sinong crush ang sinusulatan ko ngayon, pero sige, ikaw nalang.

Salamat sa lahat. Kahit wala ka pa namang ginagawa para sa akin.

Masaya na ako na nasusulyapan ko ang mga pictures mo sa Facebook, nakikita ang bawat post mo sa Wall mo, nakikita ko ang mga walang kasing gwapong mukha ng mga ex-boyfriends mo kapag may nilalagay sila sa Wall mo.

Masaya na ako na masaya ka.

Masaya na ako na alam kong magiging gwapo at maganda ang magiging anak mo pagtanda dahil ang gwapo ng boyfriend mo.

Sapat na sakin ‘yun, basta ba masaya ka eh.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento